Hindi Ako Iiyak by Flippers

This is a super old school song who’s lyrics are really really hard to find. We were sound-tripping and this song was suddenly played. I remember this song from when I was a kid.

Hindi Ako Iiyak
by Flippers

Kapeng aking tinitimpla
Lagi ngayong lumalamig
Di ko malaman kung kulang sa tamis
Tasang walang kibo sa ‘ki’y nakatitig
Ako’t siya’y naghihintay
Masagi ng iyong bibig

Buhok na mahaba, iniingat-ingatan mo
Noong isang linggo’y pinaputulan mo ito
Marahil ay pagod lamang ang aking isipan
At di ko napansin at hindi tinutulan

Chorus
Huwag kang mag-alala, di ako iiyak
Di magdaramdam kahit na ga-patak
Pag-ibig na minsan na nating dinanas
Sa tulad kong putik, tama na at sapat

Pintong dati-rati’y bukas sa aking pagdating
Ngayo’y nakasara at panangga sa hangin
Kung ako ay dumalaw at ito ay katukin
Kahit mahina pa, sana ay ‘yong sagutin

Kay linis ng silid, walang nakakalat
Medyas at sigarilyo’y walang naghahanap
Sanggol na nasanay, nasanay sa ama
Ngayo’y natutulog kahit nag-iisa

Hindi Ako Iiyak

You may also like

1 Comment

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.