Hoy! Ano Ba?!

Scene 1: Park Square 1 (Along Dusit Hotel)

Hoy! Ano ba?! Tignan mo nga yang dinadaanan mo! Alam mo, sister, nasa Makati ka noh. Wala ka sa probinsiya niyo. Gusto mo bang mamatay? Sa bagay, okay lang, hindi naman ako yung mamamatay. But enewie, kapag naglalakad ka, dearie, learn to look at what’s in front of you. I understand that it is advisable that you “watch your step”, but wag naman yung tipong per step mo naman eh tinitignan mo. You need to watch what’s in front of you din noh. Umiwas na nga ako, bininungo mo pa rin ako. Beauty mo ha!

Scene 2: Ayala MRT Station

Hoy Pare! Paki bilis-bilisan mo namang maglakad. May moonlight ba ng alas nuebe ng umaga? Sa pag-kakaalam ko, pare, tirik ng init ng araw iyang nakikita ko. Hindi ito Luneta, men, MRT Station ito. Hindi mo ba nakikitang dagsaan ang mga taong dumaraan rito, pa gwaps ka pang naglalakad diyan na parang hindi nauubos ang oras mo. Ang sama pa nun, hanep ka rin sa bagal bumaba ng hagdan. Konting-konti na lang talaga itutulak na kita pababa ng hagdan eh. Buti na lang at tulog pa si guardian devil ko (tanghali kasi siyang gumising), kaya naka-isa si guardian angel ko (na early angel) sa pagpayo saking – sinusunog na nga ang kaluluwa kong ngayo’t buhay pa ko, gagawa pa ako ng karagdagang kasalanan.

Malelate ka sana sa trabaho mo. Kasi late ako. XD

14 responses to “Hoy! Ano Ba?!”

  1. delta27 Avatar
    delta27
  2. angelo Avatar
  3. Euri Avatar
  4. Hiyono Avatar
  5. FINCH Avatar
    FINCH
  6. belle Avatar
  7. Llyngee Avatar
  8. ai~ Avatar
  9. Peter "The Mordo" Juan Avatar
  10. Euri Avatar
  11. janelle Avatar
  12. Nelson Avatar
  13. Najo Avatar
  14. Gean Avatar
    Gean

Leave a Reply to angeloCancel reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.