Para sa mga maiiwan:
Kuya Bry,
Mababawasan yung makiki-hitch sayo niyan, pauwi at aaga na uwi mo. 😛 Wala ka na ring katabing nangugulit palagi.
Kuya Glenn,
Wala ka nang tutulugan kapag tinatamad kang magtrabaho. You’ll miss me, I am very confident that you’ll really miss me. Wag mo akong kalimutan when you get to SG. And please say hi to Cathei and Jeromee for me! ^_^
Rosie,
Wag kang iiyak ha. Mababawasan nang 1/2 yung mang-aapi sayo. Kasi, 1/2 lang ang value ko!! >_<
Jones,
Mababawasan na yung mga inaapi mo. Err.. nang 1/2 din. Ahaha!
Sir Dino,
Mauuna na po ako. 🙂
Auntie Lis,
May utang pa ba ako? Salamat sa lahat! Mamimiss ko kayo, chaka yung stocks niyo ng Mister Chips. <3
Drew,
Galaw-galaw lang po. Sana maisipan niyong bumalik na rin ng Manila. Chaka ang daya niyo po, hindi ko na magagamit yung sumasayaw na chibi Naruto sa pd domain.
Cy-cy,
Tatahimik ng malaki ang buhay mo diyan. Wala ng makulit, wala nang mambabato sayo ng kung anu-ano. Yung Granado Espada ko asan na?! 😀
Yam-yam,
Uhmm… *sigh* Ahaha! Last supply ko na to ng chocolate sayo.
Dhon,
Tatagal ka kaya sa Auction? Abangan! ^_^
Kuya Mike,
Kaya mo yan! Sorry kung tinambak sayo yung mga trabaho ko. >_<
Chej,
Sunod ka rito ha! ^_^
Kuya Alex,
Akin na lang yung shirt mo na galing Hong Kong.
Kuya Rey,
Lalaki din ako! …. uhmm… balang araw. >_<
Pareng Eds,
Yo, pare. Easy ka lang diyan. 😀
Gerry (a.k.a. Pooh-ciao),
Wala ka nang ka-batch. Ako na ang last sa mga ka-batch mo. Musta laban? Ahaha!
Kuya Kuya (Kelvin),
Nasa DA pa rin ako, stalking you. 👿
Noy,
Wag masyadong dibdibin yang trabaho, ikaw rin.
Ma’am Rixie,
Huminga ka naman diyan! Ingat lagi! 😀
Sir Jay,
Kita na lang tayo dito! 😉
Ma’am Ria,
Balita ko, mag-isa ka na lang diyan… Kaya mo yan. 😛
Mark,
Normal na tao ka na ulit. Nakikita na kita ng may araw pa!
Boss Chief,
Hindi mo na ako makikitang nag-o-OT. Good luck sa bicycle race mo! >_<
Sa mga wala sa listahan, eto ang mga posibleng rason:
- Nakalimutan kita.
- Hindi ka especial sakin and/or wala ka significance sa buhay ko.
- Hindi tayo close, ‘day.
- Hindi kita feel kasi –
- Tupperware ka. Hindi lang basta plastic, Tupperware na. But of course, pwede ka pang mag-evolve into Orocan.
- Sobrang chismosa ka, pakialamera, etc. Seriously, paki mo ba?
- Sobrang ingay mo. Yung bang tipong voice range umaabot hanggang kabilang building. At note, bulong pa lang yan ha.
- Feeling ka. You know, feeling magaling, feeling kagandahan, at kung anu-ano pang chuva.
- Bago ka lang sa Auction.ph.
- Wala akong masabi sayo.
Take your pick. Tandaan, I did not mention names. Bahala ka na kung sang mo ilalagay yung sarili mo. Bato-bato sa langit, yung tatamaan, tamaan sana ulit. Kung pwede sana, yung mas malaking bato. Yung bang boulder yung laki para mas effective.
R.I.P.
Euri
(2006-2008)
Leave a Reply to TalamascaCancel reply