Resignation: Messages

Para sa mga maiiwan:

Kuya Bry,
Mababawasan yung makiki-hitch sayo niyan, pauwi at aaga na uwi mo. 😛 Wala ka na ring katabing nangugulit palagi.

Kuya Glenn,
Wala ka nang tutulugan kapag tinatamad kang magtrabaho. You’ll miss me, I am very confident that you’ll really miss me. Wag mo akong kalimutan when you get to SG. And please say hi to Cathei and Jeromee for me! ^_^

Rosie,
Wag kang iiyak ha. Mababawasan nang 1/2 yung mang-aapi sayo. Kasi, 1/2 lang ang value ko!! >_<

Jones,
Mababawasan na yung mga inaapi mo. Err.. nang 1/2 din. Ahaha!

Sir Dino,
Mauuna na po ako. 🙂

Auntie Lis,
May utang pa ba ako? Salamat sa lahat! Mamimiss ko kayo, chaka yung stocks niyo ng Mister Chips. <3

Drew,
Galaw-galaw lang po. Sana maisipan niyong bumalik na rin ng Manila. Chaka ang daya niyo po, hindi ko na magagamit yung sumasayaw na chibi Naruto sa pd domain.

Cy-cy,
Tatahimik ng malaki ang buhay mo diyan. Wala ng makulit, wala nang mambabato sayo ng kung anu-ano. Yung Granado Espada ko asan na?! 😀

Yam-yam,
Uhmm… *sigh* Ahaha! Last supply ko na to ng chocolate sayo.

Dhon,
Tatagal ka kaya sa Auction? Abangan! ^_^

Kuya Mike,
Kaya mo yan! Sorry kung tinambak sayo yung mga trabaho ko. >_<

Chej,
Sunod ka rito ha! ^_^

Kuya Alex,
Akin na lang yung shirt mo na galing Hong Kong.

Kuya Rey,
Lalaki din ako! …. uhmm… balang araw. >_<

Pareng Eds,
Yo, pare. Easy ka lang diyan. 😀

Gerry (a.k.a. Pooh-ciao),
Wala ka nang ka-batch. Ako na ang last sa mga ka-batch mo. Musta laban? Ahaha!

Kuya Kuya (Kelvin),
Nasa DA pa rin ako, stalking you. 👿

Noy,
Wag masyadong dibdibin yang trabaho, ikaw rin.

Ma’am Rixie,
Huminga ka naman diyan! Ingat lagi! 😀

Sir Jay,
Kita na lang tayo dito! 😉

Ma’am Ria,
Balita ko, mag-isa ka na lang diyan… Kaya mo yan. 😛

Mark,
Normal na tao ka na ulit. Nakikita na kita ng may araw pa!

Boss Chief,
Hindi mo na ako makikitang nag-o-OT. Good luck sa bicycle race mo! >_<

Sa mga wala sa listahan, eto ang mga posibleng rason:

  1. Nakalimutan kita.
  2. Hindi ka especial sakin and/or wala ka significance sa buhay ko.
  3. Hindi tayo close, ‘day.
  4. Hindi kita feel kasi –
    1. Tupperware ka. Hindi lang basta plastic, Tupperware na. But of course, pwede ka pang mag-evolve into Orocan.
    2. Sobrang chismosa ka, pakialamera, etc. Seriously, paki mo ba?
    3. Sobrang ingay mo. Yung bang tipong voice range umaabot hanggang kabilang building. At note, bulong pa lang yan ha.
    4. Feeling ka. You know, feeling magaling, feeling kagandahan, at kung anu-ano pang chuva.
  5. Bago ka lang sa Auction.ph.
  6. Wala akong masabi sayo.

Take your pick. Tandaan, I did not mention names. Bahala ka na kung sang mo ilalagay yung sarili mo. Bato-bato sa langit, yung tatamaan, tamaan sana ulit. Kung pwede sana, yung mas malaking bato. Yung bang boulder yung laki para mas effective.

R.I.P.
Euri
(2006-2008)

12 responses to “Resignation: Messages”

  1. arc Avatar
  2. Christian Avatar
  3. passer by... Avatar
  4. Nelson Avatar
  5. Talamasca Avatar
  6. jeniffer Avatar
  7. Euri Avatar
  8. rhosie Avatar
    rhosie
  9. delta27 Avatar
    delta27
  10. Nelson Avatar
  11. Euri Avatar
  12. riz Avatar

Leave a Reply to rizCancel reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.