Minsan, papunta akong banko para magdeposit ng cheke ni papa. Dahil makailang ulit akong sumakay ng jeep, naubusan ako ng barya. Kaya nung sumakay ako ng isa pang jeep, Php 100.00 ang hawak kong pera. Inisip kong mayroon naman sigurong barya yung jeepney driver dahil hapon na rin. Nang magbayad ako, ibinalik ng driver yung bayad ko at sinabing wala pa siyang barya dahil kalalabas lang niya. Pagkatapos, mayroong isang mamang sumakay ng jeep. Nginitian niya ako na tila bang magkakilala kami. Hello naman ako. Tinanong ko siya kung mayron siyang barya sa Php 100.00. Ngumiti lang siya sa akin at sinabing, “sige…” Nagbayad siya at sinabi niyang ipangbabayad na lang daw niya ako. Magmula nun hanggang bumaba ako, thank you ako ng thank you sa mabait na mama.
Nung isang gabi, past 8:00pm na nung umuwi ako. Pagsakay ko sa jeep, nagkita kami ulit nung mamang nakasabay ko sa jeep. Driver pala siya ng jeepney. Inabot ko yung bayad kong Php 20.00 at balak kong hindi na kukunin yung sukli bilang kabayaran noon nung pinangbayad niya ako. Bago pa man maabot sa ikalawang tao yung bayad ko, pinabalik niya ito sa akin. Pilit kong inaabot pero pilit niyang binabalik. Sabi nung isang pasahero, “Iha, sayang ‘to. Ayaw niya talagang tanggapin eh.” So, I was left with no choice, e di pa thank you ulit. Nung tignan ko siya mula sa salamin ng jeepney, naalala ko yung iniisip ko nung una ko siyang makasabay sa jeep. Nag-hello ako sa kanya noon kahit hindi ko naman talaga siya kilala dahil pamilyar siya sa akin. Tila ba kilala ko siya pero hindi ko naman maalala kung saan at kailan ko siya nakilala…
Leave a Reply