Na-miss ko ang Pasig.
Na-miss ko yung pagtawid sa harap ng simbahang nagmamadali dahil nakakastress ang tunog ng traffic light sa tawiran. Minsan, nananakbo pa ako dahil malapit nang matapos ang bilang ng traffic light.
Na-miss ko ang pagbili ng kung anu-ano sa gilid ng simbahan – candies, yosi, bulaklak, mumurahing earphones, chicharon at balot.
Na-miss ko yung masarap na isaw sa tapat ng iskinita namin, na gabi-gabi kong sinasadya. Madalas, pumapasok ako ng maaga para makauwi ng maaga para lang maabutan ko yung isaw ng baboy nila na madalas ay ubos na pag tapak alas sais.
Na-miss ko ang pagbili ng pagkain sa Alex Lugawan.
Na-miss ko yung kainan nila lola na pinagkakainan ko gabi-gabi.
Na-miss ko rin yung mga kapit-bahay naming walang humpay sa mga chismis ng buhay-buhay ng mga tao sa paligid, yung mga lasengong kapit-bahay namin na gabi-gabi mong inaabutang umiinom sa iskinata namin, at yung mga madalas kumanta sa videoke magdamag na akala mo, wala nang bukas.
Paalam, Pasig, hanggang sa muling pagbisita ko.