Insecurity

Alam mo ba, insecure ang isang tao kapag nagsimula siyang magbangit ng kapangitan ng isang tao na alam niyang kahit papano, nakakalamang siya. Gawin nating magandang halimbawa ang isng taong kilala ko. Nakakita siya ng isang taong, uhmm… panget. Tapos, patuloy niya itong pinipintasan na panget. Panget daw ang mata niya, kadiri daw ang kutis niya… etc. na tila ba ang gwapo-gwapo niya at lamang na lamang siya ng san daang paligo. Ep! Ep! Pwede ba?! Gising, gising! Humarap sa salamin at iyong pagmasan ang nakakatakot na realidad na ikaw ay isang taong hindi ka-gwapuhan na walang “K” na manglait ng mga taong hindi lamang marunong mag-ayos ng kanilang mga sarili. Kung baga, kulang lang sa grooming value. Kung ako lang si Ricky Reyes, yang taong nilalait mo, gagawin kong mala-artista ang itsura at itatatabi ko sayo sa harap ng maraming tao! Para naman ma-conscious ka sa sarili mo. Alam mo kasi, pare, panget ka eh. Wag mo nang itago. Kitang-kita naman eh. Panget ka. Panget ka. Panget. Panget. Panget! Maaring ang face value mo ay 70/100 (above normal) ang ugali mo naman ay 10/100 (way below normal)! Kaya kung kukunin ang average, bagsak ka parin. Bleh!

PS: Inom-inom tayo ng kape paminsan-minsan. Nang tayo’y tablan naman ng tinatawag nilang nerbiyos. Nang sa gayon, ikaw naman ay nerbiyosin sana sa mga pinagsasabi mo.

Magandang Gabi.

You may also like

DME

20 Comments

  1. Hahaha!! Meron talgang ganyang mga tao ๐Ÿ˜€ kakaka asar nga no? ๐Ÿ˜€ Meron ngang isang tao nun nag ask sa amin kung anong tingin namin sa isang teacher namin (kasi lagi nilang kinocomapre sa penguin yung teacher naming yun) tas sabi namin (kasama ko sis ko nun), lahat ng tao magaganda, may ibat ibang style tayo ng ganda unique kasi tayo… sa atin na lang yun kung ilalabas natin ang kagandahang yun… tas ayun nagulat ba naman.. sabi wow! first time kong nakarinig ng gayan… kayo lang nasagot ng ganyan.. lolz.. natawa kami nun… sabi nya sa amin iba daw kami ๐Ÿ˜€ hehehe… praise God iba na nga kami ๐Ÿ˜€

  2. kalmado ka lang… hehe pero natawa ako sa sinabi mo hehe… yang mga taong ganyan ini-ignore na lang, kasi pag nagpagalit ka… talo ka

  3. Uy, kagulat tagalog na tagalog ang iyong entry ngayon. Hihihi, kaya ito, tagalog din ang comment. ay corny ni hazel XD

    Sadyang may ganyang mga tao nga naman. Kala mo kung sinu manghusga. Haayy. Sana tamaan sila ng kidlat RAWR! Hihi ๐Ÿ˜€

  4. Galet naman ni Ate Euri. Just let those morons do their stuff. Kakarmahin din yung mga ganun someday. Let God do the punishing. (Oops.. Atheist nga pala.. Sorry.) Pero nice rant. ๐Ÿ™‚

  5. Philip: *Imagines ate chette mo inom nang kape* Lol hindi ko maimagine.

    Chette: Ende naman ako talagang umiinom nang kape ๐Ÿ˜› Coke ang sa akin hehe

    Philip: @.@


    Oi! Double posting. Binura ko yug isa ha ๐Ÿ˜‰

    ~euri @ 2034H060606

  6. Hindi yan, eto yung tinutukoy ko:

    Philip: waaah ako yung unang nag comment ikaw ang lumitaw bakit puro ba chette nang chette diba dapat mauna ako?

    Chette: LOL

    At chaka, bat dito kayo nag-aaway? Dun… dun… sa blog niyo. :lmao: Makapanggulo nga dun. ๐Ÿ˜›

  7. Hay, onga ganyan talaga ang mga madlang people. Kahit ako ganyan ako, pero hindi ako nanlalait ng tao hanggat wala xang ginagawa sa akin. Nanlalait lang naman ako pag ang sama-sama ng ugali eh. Hehe..

    BTW, binasa ko yung last entry mo. Ayoko na magsalita, I suppose kahit anong gawing pag-comfort sayo ng online world, hindi maiibsan yung sakit at galit na nararamdaman mo sa personal life mo. Ayan, ang galing ko noh, sabi ko hindi ako magsasalita about that, pero ngayon dada ako ng dada. :p Bakit, type lang naman toh eh, hindi naman say. Harhar. Basta, eto lang ang para sayo Euri..

    big HUG

  8. may mga ganyang tao, hindi talaga maiiwasan, kaya pumili nalang ng pakikisamahan… Dapat inumin yung dalawang kutsara ng kape tapos walang asukal at 1 tspoon ng coffeemate para hindi naman ganun kasama lasa, ang inum nya hehehe^_^

  9. Naku naman. Yung mga pinakamabababaw na bagay, nilalait pa niya? Sa kasawiang palad, maraming ganyan sa mundong ibabaw.

    Tagalugan ba dito? Ahihihi

  10. Sino kaya tong taong to? Instant celebrity, suddenly the talk of the town.

    Wahahahahaha…astig ka talaga Euri.

    P.S. Ako mahilig sa kape. ^_^

  11. ganun? eh pwede ka namang sumakay sa sinasabi niya or magkagalitan kayo. wala lang yun. simpleng problema lang yun. teka eh sino ba pinaguusapan natin?

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.