Gulong-Gulo

Galit pa rin siya sakin. I don’t think kakausapin pa niya ako. I’m so stupid and so selfish. Alam ko naman na mabigat yung dala-dala niya ngayon eh. Tapos, heto ako, dinagdagan ko pa. Ayun tuloy, ayaw na akong kausapin. Iniiwasan na lang ang mga messages ko. Alam niyang malakas ang pakiramdam ko. At alam kong alam niya na nararamdaman ko ang sakit na nararamdaman niya kahit na malayo kami sa isa’t-isa. Hindi ko na tuloy alam gagawin ko. Gulong-gulo na ko. Hindi rin ako makatulog magmula kagabi. Alam kong masama ang loob niya sakin kahit hindi niya sabihin. Nanghihina ako sa tuwing naiisip kong nasaktan ko na naman siya. Gusto ko siyang puntahan, pero hindi pwede. Kahit naman pwede, ayaw ko rin. Natatakot kasi ako sa magiging reaction niya sa akin… ๐Ÿ™

Alam ko, gago ako.

You may also like

7 Comments

  1. Pano mo naman nasabi na galit sya sayo? Baka akala mo lang yan :). Wag ka muna mag-isip ng kung ano ano and quickly jump into conclusions. Malay mo, mali ka pala. Di pala sya galit sayo :).

    Lahat nagkakamali Euri, walang perpekto. Lahat ng simula may hangganan, pag dumating na yung hanganan, hindi ibig sabihin na di ka na pwede magsimua ulit. Maraming pagkakataon na ang tao nagkakamali, di lang minsan. Pero sa mga pagkakamaling ito, dapat matuto tayo bumangon, hindi importante kung gaano kabigat ang pagbagsak mo, ang importante, kung gaano ka kataas tumayo pagkatapos mong bumagsak.

    Ayus lang yan :), wag mo na masyado isipin. Malay mo tama ako, di pala talaga galit sayo yung taong yun ๐Ÿ™‚ . Ngayon kung galit man sya… palagay ko lilipas din ang galit nya, sabi ko nga, lahat ng simula, may katapusan ๐Ÿ™‚

  2. I agree with Dexter Dane. Euri, everyday is a new day. Everyday you can start a new day. I know it is impossible. But it is possible. How? Day 1: Nag-aaway kayo. Day 2: (start a new day) ask forgiveness.

    Dapat nga lang may gawin ka.
    And Remember Euri, I-qu-quote ko yung words na sinabi nang mommy sa kanyang baklang anak sa script/story ko ๐Ÿ˜›

    Ang tunay na pagmamahal eh, kinakalimutan ang mga sakit na nagagawa nang isang tao sa kanya. Yan ang isang sukatan nang pagmamahal. Maraming beses na masasaktan mo siya, o masasaktan ka nya. Pero dahil mahal mo siya, handa kang magpatawad at handa siyang magpatawad

    forgiveness lang ang solution dyan.

  3. Hala… ang alam ko lang na sigurong puwede mong gawin is hintayin na lumamig yung ulo niya. Tapos, unti-unti mo siyang kausapin (gaya na pagbati). Pero kapag nakahanap ka na ng magandang tiempo, mag-sori ka sa kanya. Hindi naman siya pusong-bato, right? Saka makokonsensya rin yun. Saka iwasan mo na uli yung issue kung ano man yung kinagalitan niya sayo, para di na ma-brought up pa uli yon.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.