Weather Weather

Putang-ina. Kung bakit kailan pa ako uuwi, at tsaka eeksena itong ulan. At sa kasamang palad pa noon ay pagkalakas-lakas pa. At oo, tipong bumabaliktad na ang lahat-lahat sa mga payong ng mga naghihintay sa baba ng building. At ako? Bukod sa saklap ng katotohanang ako’y nililipad na sa lakas ng ulan, naligo rin ako. Oo! Pare! Basang-basa ako!

Kahit na basang-basa akong nagtatago sa isang sulok ng poste para hindi ako liparin ng hangin, marami akong napupuna-puna sa palid. Marahil ay naging ugali ko na ang mag obserba ng mga bagay-bagay kahit gaano pa man karumal-dumal ang aking pinagdaranasan.

Una, dahil malakas ang ulan, mahirap sumakay ng taxi. Bihirang-bihira ang nagdaraang taxi. At kung mayroon man, namimili ng pasahero? Tama! Basang-basa na nga yung pasahero, nakuha pa nilang tumanggi? Napakawalang puso, walang kaluluwa, walang isip, walang toot (bahala ka nang mag-isip).

Pero, sa kabila noon, meron din namang positibong nangyayari. Tulad na lang nitong si mamang pulis na isang uliran! Yes, award-winning na mamang pulis ito! Todo na ito! Para sa serbisyo ng mamamayang Pilipino, sinuong niya ang malakas na hagupit ng bagyo (tandaan: ulang nakakapagbaliktad ng payong at nakakapagpalipad ng Euri ito ha) para lamang magpatupad ng ating batas pantrapiko (5 minuto kong inisip ang Tagalog nito). Dapat nating tularan ang kagitingan ni mamang pulis – Lazer Squadron, Maskman* (ang ring tone ko ito)!

* Hikari Sentai: Maskman – for those who didn’t know…

You may also like

21 Comments

  1. “(tandaan: ulang nakakapagbaliktad ng payong at nakakapagpalipad ng Euri ito) ” 😆

  2. The same exact weather is happening here. It’s not ‘continuous’ though (which is, of course, a good thing). 👿

    *paligid

  3. LOL @ nakakapagpalipad Euri. ‘Di kita napansin kanina sa Net One.

    Payong ko naman nasira bago pa ‘ko umabot sa Net One. XD

    randells last blog post..<a href=”http://randell.ph/blog/2008/05/02/armenia-part-1-paghahanda/”” rel=”nofollow”>Armenia, Part 1: Paghahanda

  4. Omg… is it that bad? I heard from my relatives in Makati that the wind was so bad when we called today… o_O; Kakalaba lang tapos nililipad na ung mga sampay~ hahahah

    Euri-chan… you need to bring weights next time ~ para di ka liparin ng hangin 😛 Lol

    Lupit ni mamang pulis~ sana maraming taong ganun… 😛
    At saka langya naman ung mga taxi drivers diyan.. and sasama… ganun ba talaga dyan? Buti na lang dito maraming mababait na drivers last time na may snow storm~ XD

    Btw… Sorry for using tag-lish >.>; hides in the corner

  5. Randell,
    Ahaha~ Parang ikaw yung nakita kong binaliktaran n payong? XD XD

    Kiatsu,
    I’m planning on carrying a rope with me and tie myself at a post to prevent me from flying, though…XD XD

    Euris last blog post..Twenty-sixth Prayer

  6. Haven’t read this kind of post from you for a while. Haha. Anyway, it’s good to hear that there are still existent police officers that are totally dedicated and responsible to their duty. May mga puso pa rin yung iba.

    Grabe yung ulan nung mga nakaraang araw (mas maganda na rin ‘to kaysa sa summer climate na sobrang init. HAHA.) pero ‘di nga lang makalabas palagi. Sigurado rin na mababasa yung isang tao habang nagko-commute.

    The Deranged Writers last blog post..Bye bye vacation… Sort of.

  7. Haha, ang kulet ng ringtone mo 😀

    But man, I totally feel you. I love the rain, but not when I’m outside. At grabe, scary talaga sa Makati daw. My dad was about to ride the MRT in the station when there was the sudden gush of wind, super lakas daw bigla ang buhos ng ulan, tapos pumutok pa yung mga ilaw sa poste, kasabay ng pagkidlat. Like a scene from a disaster movie, yeah.

    And the taxi drivers choosing their passengers is JUST horrible. Totoo yan, kung kelan mo kailangan ng taxi, saka pa namimili. Kung kelan di mo kailangan, saka wala. Bleh. Nirereport dapat yung mga yun eh.

    Well, at least YOU got home safe,at last. Thank God. 🙂

  8. Last week, I got stranded due to the heavy rains. When I got home, I was really wet. But I’m glad that nothing bad happened to me.

  9. I can feel the intensity of the rain hanggang ngayon. Hahaha… buti di ka tuluyang nilipad ng hangin? Kung ako yung, isang hipan lang titilapon na ko eh.. Anyway, dapat bigyan ng award yan si Mamang Pulis ha. Kumpara naman sa ibang traffic officer jan sa tabi tabi.. >.> Uu, tama.

  10. Wala pa rin akong personal experience with a gawad uliran worthy policeman. So at least you had that :p

    Kung hindi lang nagtratraffic, ok sana ang rainy season e.

    Anns last blog post..<a href=”http://bituwinfish.com/2008/05/18/best-summer-ever/”” rel=”nofollow”>Best. Summer. Ever.

  11. lol…para sa mga isang tasa ng tubig ang timbang mag-ingat sa ulan at hangin… 😀

  12. Shucks, kami naman 2 araw walang kuryente. Ang agang bumagyo. Dati mga August dumarating yung mga malalakas.

  13. oh! grabe nga ulan ngayon. may bagyo ba? o.O

    pero lagi lang naman ako nasa bahay eh. >.>

    Rozehs last blog post..<a href=”http://feeds.feedburner.com/~r/Ich-net/~3/293304940/”” rel=”nofollow”>Nintendo DS Mode!

  14. Thanks! Excited narin nga ako sa official classes eh. Hahaha! Btw, yung Mangaholix event nga pala siya on May 31 sa SMX Convention sa MoA. ^^

  15. AHAHAHAHA!! WAMIYOO!!! XDD!!!

    Masarap naman maligo sa ulan, yun nga lang eh kung may importanteng lakad tapos basa ka, badtrip talaga XDD!! Aharharhar~!

    Ahay naku~ mga taxi talaga, ang AARTZ, gravehh!!! Kahit sana isipin nalang nila na kikita sila … WOOT! WOOT! XDD!!

  16. ahahaha! galit na galit ka sa ulan a

    kulots last blog post..<a href=”http://feeds.feedburner.com/~r/KutserongKulot/~3/298801361/”” rel=”nofollow”>1st ever Joomla! Day in the Philippines

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.