Batas sa Bahay

Ang mga batas na obvious na kapag tumuntong ka sa bahay ng ibang tao. Hindi na kailangan sabihin pa. Siguro naman, alam mo na to no?

  1. As you enter another’s house, greet everyone you see. Respeto tawag dun, dude. Baka kasi, wala kang proper breeding at lumaki ka sa kung saan saan na lamang at hindi mo alam yun.
  2. Iyong pakatandaan: aba iho/iha, mahiya ka naman, bahay mo ba to? Read between the lines.
  3. Matuto kang kumatok sa pinto bago pumasok sa kwarto ng may kwarto. E papaano kung mayroon palang milagrong nangyayari sa silid na iyon, edi nakaisorbo ka pa? Tulad na lamang nang nagbibihis pala siya, edi namulat ang lahat sa hubad na katotohanang para ka na ring nangboso. Tsk, tsk. Ano ba ang iniisip mo?
  4. Pwedeng wag kang maingay? Hindi lang ikaw ang tao sa bahay no. Kung gusto mong kumanta, ayan ang banyo. Diyan mo paganahin ang bathroom voice mo.
  5. Eto pa ang sikat, wag mong pakialaman ang mga gamit sa bahay ng may bahay. Kapag may nawala diyan, baka mapagbintangan ka pa. O kaya kapag may nabasag, lagot ka. Hindi naman porke ka-kosa mo yang isang taong nakatira diyan, kung sino man yun, ay okay lang.
  6. Hoy! Wag ka magbubukas ng ref ng may ref ng walang paalam. Patay gutom!
  7. Mag flush ka rin pala pag gumamit ka ng CR. Wag mong dalhin ang kababuyan mo sa tahanan ng may tahanan.
  8. Kapag lalayas ka na, matuto kang magpaalam na ika’y sisibat na. Hindi yung bigla ka na lamang nawawala. Ano ka multo? Hindi na uso takutan ngayon.

You may also like

13 Comments

  1. hahahaha natuwa at natawa naman ako dito! Astig! ma i share din yan sa mga kakilala ko. I remember yun guy friend ng bf ko. nagalit daw nanay nun gf kasi nun pumunta itong si guy friend sa bahay ng gf, kumuha nalang daw ng tubig sa ref ng hindi nagpapaalam. napagalitan tuloy ng nanay ni gf. hahahah!

    by the way nakapag upgrade ka na sa ella? tapos na ako! whew, natapos din ang problema ko sa wp grins .. hehehe…

  2. @ James ~

    How is “ng” pronounced???

    Ng is pronounced as “nang”. There are two of them pronounced the same – “ng” and “nang”. However, they are used differently as it all depends on the word following it. If it’s a verb, it should be “nang” if if it’s a noun, it’s “ng”. Something like that.

    @ Nadiyah ~
    Yeah, it’s about that. but the title literally translates as, “House Rules”.

    @ KT ~
    Na miss kita! glomps

    I’m not really sure if that attitude in another’s house is okay, in Filipino families but it’s not okay in our house. my friends have been going in and out our house like that but they don’t do those kind of things. I guess it all depends on a person’s proper breeding, huh?

  3. Hehe, it took me a while to realize that you weren’t blogging in English. XD I was looking at it for a while and then it hit me! But the part I did understand, about the greeting and respect thing, I totally agree! =)

  4. snxa euri… bwal mura sa tagboard ko… ^___^ kya del muna ha? gusto mo ba malaman yung kaso mo? ehehe..alika, ibubulong ko sa iyo…

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.