Extraordinary Love?

I was chatting with Dexter a while ago and he asked me to review his poetry that he is supposed to dedicate to his girlfriend. I thought it was a heartbreaking poerty since he was known to be a good poet. But as I read the first stanza down to the last, I couldn’t help myself but to laugh hard! So I thought of asking his permission to post it on my blog. He haven’t agreed on it but even if he didn’t, he wouldn’t file a case on me anyway. (Uhm… Would he?)

The poem is in tagalog btw. Sorry for non-Tagalog speakers…

Pambihirang Pag-ibig
By Dexter Vane

Sa lawak ng mundo, at sa dami ng tao
Ano ang nakita, at ako’y umibig sayo
Labis ko itong inisip, lahat tunkol sayo
Ngayon ako’y sigurado, sa pagmamahal kong totoo

Sa aking pag-iisa, ikaw ang alaala
Iniisip lagi kung kumusta ka na
Dinadsal na sana’y lagi kang masaya
Ikaw nalang lagi, at wala nang iba pa

Sa iyong paglalakad, sana’y tamaan ka ng kidlat
Upang ikaw ay magising at mapansin ang damdamin
Ng isang lalaki na umiibig ng malalim
Nandito lang ako, naghihintay na iyong ibigin

Habang ika’y kumakain, aking dinadalangin
Mabulunan ka sana, sa kinakain mong kanin
Pag ito’y nangyari, isipin mo na lamang
Naaalala kita, kaya ka nabulunan

Pag ikaw ay naliligo, wag kalimutang i-lock ang pinto
Paalala lang ito, at hindi ako mamboboso
Wag kang magtataka, kung pati ito pinakikialaman ko
Wala lang akong maisulat, at ako’y nag-iisip pa dito

Pag ika’y nagsisipilyo, ito ang tandaan mo
Saakin para kang pustiso, nagulat ka siguro
Natanong mo kung bakit, isa lang ang sagot ko
Naturingan kang pustiso, dahil I can’t smile without you

Palagay ko isa pa ito, kung bakit ako’y umibig sayo
Para kang utot, tama ang narinig mo
Tahimik man minsan, malakas naman ang dating nito
Kung baga sa amoy, kuha agad ang atensyon ko

Para kang halo-halo, na may lecheplan sa ibabaw
Para kang spaghetti na punung puno ng keso
Para ka ring enseymada na may itlog na maalat sa dulo
Special ka kung baga, dito sa puso ko

Pambihirang pag-ibig itong nadarama ko
Lahat nalang ng bagay, ikaw ang naalala ko
Hindi ko lubos maisip bakit ako ganito
Pero isa lang ang alam ko, ikaw ang mahal ko.

You may also like

6 Comments

  1. Omgz@chu! I love your new layout =] I have missed out since I have been gone I see. You even have adorable pictures up of yourself =] Your looks are stunning GASP!

  2. OK, so like I’m a crazy freak laughing my ass out hehe..Grabe naman yang friend mong yan, nakakatuwa..LOL. I congratulate him for a poem well done..Award-winning grabe! Haha!

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.